Bukal

Sa puso ng lilim,
sumanib ng lihim
ang diwata
na sa burak gumising;
tatlumpung-araw nang himbing.
Sa yungib,
binuklat ang tabing;
hinamon ang tikbalang
sa puno ng saging.
Bitak na lupa’y hinawi;
“Kayurin ang dayami” ang sabi.
“Sahurin ang aking utos,
payagang umagos,
ang tigang na batis
ay ibuhos.”
Lumapag ang diwata
sa bilad na lupa,
habang ang tikbalang,
sumisid sa pampang;
sinuyod ang lalim,
nagwisik ng diwang.
Lagalag na mga pispis,
sumilip, naglayag;
dagling kumurap ang ulap,
pumintig, tumula ng kasanag.
Ang nunong tigulang,
nagbaybay, nangaral;
ang munting kampupot,
umilag, nag-aral.
Sa sinapupunang gubat,
dumaloy ang gahum;
isinalin ang sagana’t
nabilanggong katahum.
Nabungkal ang bukal
ng mutyang liyag;
ang lupang masukal,
nagluwal ng lapsag.  ~@


Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s