Migration Poetry II

Katugma

 

Sinadya ng isipang

hagilapin ka

dito sa pahina

ng alaala’t

nagbabakasakaling

masilip man lamang

ang pabaon mong hagikhik

na binuhay ng pasalubong

kong robot,

habang kalung-kalong

ang munti mong anyo,

paang pumapadyak

sa bagong istroler

na tanging palamuti’y

malaya mong sigla.

Dito tayo nagtagpo – sa pahina –

sa tuwing sinusuyo

ng isip

ang mukha mong anghel

at kumakaway

na liwanag

ng iyong mga mata;

biyayang langit, ikaw,

ang kahulugan

ng aking paglalakbay;

at dahil dito

sa pahina

muli kang nahagkan,

sabay na hihimayin

ang ating pangarap.

Matulin mong padyak, anak,

ang katugma nitong hakbang

na iyong tinatahak.

 ~ 0 ~

This pen is heart

i followed your footsteps,

your discourse fills my pen,

my smiles and cries

run threaded lines,

no literary fashion

shall bequeath this passion,

shall instruct me to serve you,

no remittance travails you;

this pen must beat,

this pen shall weep,

this pen is heart

(a heart of pen),

the heart, the whim,

a battle penned, a win;

stranger is companion,

in oblivion, and compassion,

though an alien is a soul

it thrives a deeper goal

to love this earth,

through death, or birth;

xenophobia slips unknowingly,

critics be filtered accordingly.

 ~ 0 ~

 Dilig sa lupa

Minsan ay may lupang nalunod

sa dilig ng salbaheng panganod,

pitong dahon na’ng inanod

bumakat ang bahang sumugod.

Minsa’y may lupang dinikdik, dinurog

ng ngitngit nitong armadong hamog

kalbaryong ngayo’y inuuod

sa hardin na ngayo’y puntod.

Minsa’y may kamay na dumukot

sa mga kalul’wang talulot,

hinablot nang walang pahintulot

nilibing sa himlayang bangungot.

Minsa’y nandilim ang langit

at sa lupa’y biglang nagngalit,

hinugasan ng dugo at dalit

ang ngiti ng lipi’y pinunit.

Minsan mga mata’y ipiniring

ng katarungang pinipuwing,

bumulong sa tengang may tabing

sa buwayang bibig nahumaling.

Minsa’y mga damo’y lumuhod,

pagsumamo’y sa bala isinahod,

kandila ay lumuha’t napagod,

nagmitsa sa lupang natutulog.

~ 0 ~

– Armineonila M., “Panulaang Filipino,” Pag-usapan Po Natin Magazine. Kuwait: Kuwait Philippines Cultural Center. October 19, 2011. p. 8

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s