Kurit sa Bulan

 

 

 

 

Tagalog translation/transliteration:

 

Guhit sa Buwan

 

Doon na lamang sa pagitan ng pangamba ko

katatagpuin ang iyong ala-ala,

habang naglalakbay

ang mukha ng buwan sa kasukalan

at payapa ang batas ng araw.

 

Dahil baka sakaling doon kita

maaapuhap nang walang hanggan,

walang pagaatubili,

at walang katugma,

walang nililingon na kinabukasan.

 

Doon ko lamang matatarok

ang pangarap ng bathala

na karamay ng lupa

at kumakalinga sa agam-agam.

 

@~

Abril 7, 2011

Kuwait

 

 

Advertisements